Panimula.

26 12 2006

“Welcome to WordPress.com. This is your first post. Edit or delete it and start blogging!”

Ang saklap naman nito. Dec 26.Isang araw matapos ang pasko, heto ako at nagsisimula ng panibagong blog. Naaalala niyo pa ba yung tsunami nung 2004? Opo. Yun. Naaawa ako. Alam niyo ba na ito na raw ang pangalawang pinakamalaking earthquake na narecord sa seismograph? Wow.

Tapos kahapon, Pasko, natutuwa ako kasi nakita ko ang blog na ito. Isa siyang PhilAm na may magandang buhay sa Amerika. Maayos na pamilya, isang Ivy League school, trabaho sa NASA.. Diba pangarap na ng mga Pilipino yun? Pero iniwan niya lahat yun para pumunta dito sa Pilipinas, maging isang nomad. Hinahanap niya raw dito ang buhay niya. Talagang nag-email ako sa kanya.πŸ™‚

Ako. Sino kaya ako? Ang pangalan na binigay sa akin ng aking mga magulang ay Chnatal-Denise. Opo, may dash/ hypen talaga yan. Meaning, magkadugtong sila. Parang, parang aircon. Hindi mo pwedeng sabihin na “air” lang, o “con” lang.πŸ™‚ Ako ay isang highschool student pa lamang. Alam niyo naman ang highschool, puno ito ng mga memories.πŸ™‚ Nahiligan kong magblog noong nasa first year highschool ako. Naparami din yata ang mga nasalihan kong blogsites, lipat na lang lagi ng lipat. Kaya eto ako ngayon. May panibago na naman.πŸ™‚

Nagpasko nga pala kami sa Subic! Madaling araw ay pumunta kami doon. Walang katao-tao nung dumating kami. Halos lahat ng pwedeng mapuntahan ay sarado pa, kaya parang nag-joyride lang kami! Nakakatawa talaga. At ano nga naman ang ginawa namin dun? Kumain ng breakfast. Oo. Nagbiyahe kami ng halos tatlong oras para kumain! San ka pa?! Atleast nakapagbonding kami ng matagal sa loob ng kotse. Ayos, diba?πŸ™‚

Sa bakasyon na toh, wala akong halos ginawa kundi manood ng DVD ng The OC seasons 1-3 at Lost seasons 1-2. Hahaha! Whattabout. Ang saya eh! Nakakaexcite yung storyline.. Talagang pagkatapos ng isang episode, hindi mo na mapipigilan!!! Natetempt na rin akong tumingin sa mga spoilers.. Pero.. Pero.. Hindi ko magawa.πŸ™‚

Sa susunod na linggo, may pasok na naman.😦

Kinakailangan kong harapin ang mga problema sa pag-aaral. KINAKAILANGAN. Ibig sabihin, wala akong choice kundi harapin ito. Di bale, MALAPIT NA ANG SUMMER!!!!

Una ko tong post sa WordPress. Pipilitin ko pang gumawa ng paraan para maakit kayong magbasa pa dito.


Actions

Information

One response

26 12 2006
Mr WordPress

Hi, this is a comment.
To delete a comment, just log in, and view the posts’ comments, there you will have the option to edit or delete them.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: